9 bayan sa Isabela, may COVID cases pa

9 bayan sa Isabela, may COVID cases pa

March 30, 2022 @ 1:25 PM 3 months ago


ISABELA-Umaabot nalang sa siyam na bayan ng Isabela ang natitirang may aktibong kaso ng COVID-19 batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office o PHO ng nasabing probinsya.

Batay sa datos ay mula sa bayan ng Aurora, Cabatuan, Cordon, Echague, Roxas, San Manuel, San Mateo, San Pablo at City of Ilagan.

Tanging ang lungsod ng Ilagan ang may mataas na bilang ng aktibong kaso na nasa apat (4) habang ang ibang bayan ay may tig-isang kaso nalang.

Kaugnay nito, nasa 68,941 ang cumulative cases na naitala ang lalawigan at 66,675 naman ang mga nakarekober sa sakit.

Umabot naman sa 2,251 ang kabuuang COVID related deaths.

Mula sa 37, dalawampu’t walong (28)  bayan na sa probinsya ang COVID-19 Free.

Kaugnay nito, isa nalang ang binabantayang pasyente ng Santiago City Health Office.

Hinikayat pa rin ang publiko na sumunod sa pinapairal na minimum public health protocol standard para makaiwas sa patuloy na banta ng nakakamatay na virus.

Mula sa 36, dalawampu’t walong bayan na sa probinsya ang COVID-19 free na. Rey Velasco