9 dayong mangingisda kulong sa 20 kilong alimasag sa Bulacan

9 dayong mangingisda kulong sa 20 kilong alimasag sa Bulacan

January 14, 2022 @ 12:33 PM 7 months ago


Bulacan-Arestado ang siyam na mangingisdang nakahuli ng 20 kilong alimasag na nagkakahalaga ng P1,600 sa ikinasang anti-illegal fishing operation ng mga awtoridad sa bayan ng Obando.

Kinilala ang mga suspek na sina Leo Lotoc,Eduardo Castro,residente ng Tabing Ilog,Talaba II,Bacoor,Cavite,John Carlo,Zaldy Enot,Jay-Ar Tambal,Mark Jayson,Sonny Gillego,Argie Gllego at Mark Gillego,residente ng Gate 1 Multinational Riverside,Parañaque City.

Sa report,ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek ng Obando Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council at Obando police sa karagatang sakop ng Brgy.Binuangan nitong Huwebes.

Nalamang nakita sa akto ng mga awtoridad ang mga suspek na nanghuhuli at nang masita ay walang maipakitang lisensiya o permiso mula sa munisipyo sa lugar kaya sila inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang apat na bangkang de motor,anim na fishnet na naglalaman ng 20 kilos ng alimasag na tinatayang P1,600.00.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga dumayong mangingisda.(Dick Mirasol III)