9 DND officials nagsumite ng courtesy resignation – spox

9 DND officials nagsumite ng courtesy resignation – spox

January 10, 2023 @ 4:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagsumite na rin ng courtesy resignation ang hindi bababa sa siyam na opisyal ng Department of National Defense (DND), kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Jose Faustino Jr. bilang officer-in-charge ng departamento, ayon sa tagapagsalita ng ahensya na si Arsenio Andolong noong Martes.

Ayon pa kay Andolong, limang undersecretaries at apat na assistant secretary ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation.

“I think so, oo, kasi yung [undersecretary] dati lima, pati sya (Faustino), tama, tapos may apat na [assistant secretary] na kasama,” ani Andolong nang tanungin kung pito hanggang siyam na DND officials ang nag-resign na sa kanilang mga pwesto.

Inihayag ng Malacañang noong Lunes na bumaba si Faustino bilang senior undersecretary ng DND.

Itinalaga bilang bagong hepe ng depensa si Presidential peace adviser Carlito Galvez Jr. RNT/SA