9 kapitan ng PCG ginawang Commodore ni Digong

9 kapitan ng PCG ginawang Commodore ni Digong

January 28, 2022 @ 10:31 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Ginawaran ni Pangulong Rodrigo \Duterte ang promosyon ng siyam na kapitan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ranggong Commodore.

Sa isang Facebook post, araw ng Huwebes, sinabi ng PCG na siyam na kapitan ang inirekumenda para sa promosyon ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, tinintahan naman ni Pangulong Duterte ang appointment papers ng mga ito, araw ng Miyerkules.

Kabilang sa mga promoted, walo ang general line officers ng PCG. Ito’y sina Captains Rommel A. Supangan, Antonio P. Gines, Vivien Jane E. Cay, Eduardo P. De Luna Jr., Glenda T. Pereyra, Marifem U. Isaac, Philipps Y. Soria, at Angel Z. Viliran.

Ang pang-siyam na katao sa listahan ay isang technical line officer, Captain Rodolfo S. Ingel Jr.

“The oath-taking and breaking of personal flag ceremonies of the said PCG flag rank officers will ensue thereafter,” ayon sa PCG.

Nakasaad sa kanilang appointment papers, ang 9 na officers ay opisyal na magsisimula sa kanilang bagong ranggo sa oras na magsimula na nilang gampanan ang kanilang tungkulin at mabigyan ng kopya ang DOTr Secretary’s Office at Civil Service Commission ng kanilang oath of office. Kris Jose