9 lugar isinailalim sa Signal No. 1 sa bahagyang paglakas ni Karding

9 lugar isinailalim sa Signal No. 1 sa bahagyang paglakas ni Karding

September 24, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bahagyang lumakas si Tropical Storm Karding habang patungo sa west southwest direction na may Signal No. 1 na nakataas sa siyam na lugar, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin na ipinalabas ng PAGASA nitong Sabado ng umaga.

Ang sentro ni Tropical Storm Karding ay tinatayang 795 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan na may maximum sustained winds na 85 kilometers per hour malapit sa sentro, gustiness hanggang 105 km/h, at central pressure na 994 hPa.

Si Karding ay patungong west southwestward at may bili na 15 km/h na may malakas na gale-force winds palabas hanggang  220 km mula sa sentro.

Sinabi ng PAGASA na posibleng bumuhos si Karding sa Linggo ng umaga o hapon sa silangang dagat ng Isabel o Aurora.

Ikinasa naman ang Tropical Wind Cyclone Signal No. 1 (TWCS) sa mga sumusunod na lugar:

  • Isabela

  • Nueva Vizcaya

  • Quirino

  • Timog ng mainland Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Iguig, Solana, Tuao, Enrile)

  • Kalinga

  • Mountain Province

  • Ifugao

  • Aurora

  • Hilaga at silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Gabaldon, Bongabon, Laur, Rizal, San Jose City, Lupao, Llanera, General Mamerto Natividad, Palayan City, General Tinio)

Magiging maulap naman ang kalangitan sa Visayas, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Cagayan, Isabela, at Aurora  na sasabayan ng kalay na pag-ulan dahil sa Habagat at sa Trough ni Tropical Storm Karding.

Magiging bahagyang maulap naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms. RNT/SA