9 lugar isinailalim sa Signal No. 2 sa pagtawid ni ‘Paeng’ sa WPS

9 lugar isinailalim sa Signal No. 2 sa pagtawid ni ‘Paeng’ sa WPS

October 30, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ikinasa ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa siyam na lugar nitong Linngo ng umaga habang tumatawid si Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae) sa West Philippine Sea, ayon sa PAGASA.

Epektibo ang TCWS No. 2 sa mga sumusunod na lugar.

  • Pangasinan;

  • La Union;

  • Timog ng Ilocos Sur (City of Candon, Banayoyo, Galimuyod, Sigay, Suyo, Santa Lucia, Santa Cruz, Alilem, Tagudin, Sugpon, Cervantes, Quirino, Gregorio del Pilar, Salcedo, Lidlidda, San Emilio, Santiago, Burgos, Santa Maria, San Esteban);

  • Benguet;

  • Tarlac;

  • Zambales;

  • Kanlurang bahagi ng Bataan (Morong, Bagac, Dinalupihan, Hermosa);

  • Kanlurang bahagi ng Pampanga (Floridablanca, Mabalacat City, Magalang, Angeles City, Porac); at

  • northwestern portion ng Nueva Ecija (Guimba, Cuyapo, Talugtug, Nampicuan).

 Makararanas sa mga lugar na ito ng gale-force winds na mas higit sa 62 km/h at hanggang 88 km/h sa loob ng 24 oras.

Samantala, itinaas ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Cagayan kabilang ang Babuyan Islands;

  • Isabela;

  • Quirino;

  • Nueva Vizcaya;

  • Apayao;

  • Kalinga;

  • Ifugao;

  • Mountain Province;

  • Abra;

  • Ilocos Norte;

  • Natitirang bahagi ng Ilocos Sur;

  • Aurora;

  • Natitirang bahagi ng Nueva Ecija;

  • Natitirang bahagi ng Pampanga;

  • Bulacan;

  • Natitirang bahagi ng Bataan;

  • Metro Manila;

  • Laguna;

  • Rizal;

  • Batangas;

  • Cavite;

  • Quezon kabilang ang Pollilo Islands;

  • Marinduque;

  • Northwestern portion ng Romblon (Concepcion, Banton, Corcuera); Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands;

  • Oriental Mindoro;

  • Calamian Islands;

  • Camarines Norte; at

  • northwestern portion ng Camarines Sur (Lupi, Ragay, Del Gallego, Sipocot).

 Makararanas sa mga lugar sa ilalim ng TCWS No. 1 ng “strong winds of 39-61 km/h in at least 36 hours or intermittent rains within 36 hours.”

Kaninang alas-4 ng madalingang sentro ni Paeng ay tinatayang nasa 85 km west northwest ng Iba, Zambales, na may maximum sustained winds na 85 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 105 km/h, at central pressure na 990 hPa.

Binabagtas ni Paeng ang direksyong west northwestward sa bilis na 30 km/h.

Inaasahan sa Zambales, Bataan, Aurora, Pangasinan, Batanes, at hilagang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands ang moderate to heavy rains ngayong Linggo ng umaga.

“Light to moderate with at times heavy rains” naman ang inaasahan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Mimaropa, Camarines Provinces, Western Visayas, at sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.

“Except in areas with significant antecedent rainfall or those still experiencing persistent heavy rainfall, flooding and rain-induced landslides are likely to slowly subside,” ayon sa PAGASA.

Samantala, sa natitirang bahagi ng Mindanao, asahan ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Epeketibo ang marine gale warning sa seaboards ng Luzon at sa western at eastern seaboards ng Visayas dahil sa Northeast Monsoon at Paeng.

Ang coastal watersay inaasahang magiging “rough” sa seaboards sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ang natitirang seaboards sa Luzon at Visayas ay magkakaroon ng moderate to rough coastal waters.

Sa Mindanao, ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Lumabas na si Paeng sa Luzon landmass kaninang alas-2 ng madaling araw.

Humina na rin ito sa tropical storm mula sa severe tropical storm category.

Inaasahang tutungo si Paeng pa-kanluran hanggang Linggo ng hapon bago tumahalk pa-north northwestward mamayang gabi hanggang Martes.

Inaasahang lalabas si Paeng mula sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng umaga o hapon.

Posible pa itong muling lumakas sa severe tropical storm sa loob ng 24 oras habang nasa West Philippine Sea, at maging bagyo muli sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga.

Samantala, binabantayan ng PAGASA ang isang tropical depression sa labas ng PAR.

Sumikat ang araw kaninang alas- 5:51 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:29 ng hapon. RNT/SA