9 lugar uulanin sa habagat – PAGASA

9 lugar uulanin sa habagat – PAGASA

July 28, 2021 @ 6:58 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Apayao, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro ang habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa 24-hour forecast ng PAGASA, may posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan na dala ng habagat.

Panaka-nakang ulan din ang epekto ng habagat sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, natitirang parte ng Cordillera Administrative Region, nalalabing mga lugar sa Central Luzon, natitirang bahagi ng MIMAROPA, Antique, at Aklan.

Samantala, magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan o thunderstorms ang nalalabing mga lugar sa bansa. RNT/ELM


  •  
  •  
  •