9 Maute group member nalambat sa Lanao del Sur

9 Maute group member nalambat sa Lanao del Sur

May 30, 2021 @ 12:17 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Naaresto ng militar ang siyam na hinihinalang miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group sa Tubaran, Lanao del Sur.

Sa pahayag ni WestMinCom commander Lieutenant General Corleto Vinluan Jr. naghahain ng warrant of arrest ang awtoridad sa mga ito sa salang murder at attempted murder.

Nakipagpalitan ng bala ang mga ito sa militar habang isinasagawa ang operasyon.

Kinilala ang mga suspek na sina Camaroden Tindug, Sabdullah Sarip, Oter Macaungun, Asnare Alisood, Alisood Dima, Sowaib Abdullah, Saaduden Adapun, Zaenal Abdulatip, at Aleem Salih Pitiilan.

Nakumpiska ng awtoridad sa mga ito ang dalawang M16 rifles, tatlong M16 magazines with live ammunition, isa carbine, dalawang cal. 45 pistols, at isang improvised explosive device. RNT/ELM