Pasig City – Kalaboso ang itinuturing #9 most wanted ng Pasig City Police Station makaraang inihain ang mandamiento de aresto sa kanya Martes ng gabi sa Pasig City.
Inaresto ang suspek na si Sengki Reyes, sa kaso ng Frustrated Homicide bandang alas-8 ng gabi sa kahaabaan ng Blumentritt St., ng mga elemento ng Pasig City Police Station Warrant at Subpoena Section team na pinamumunuan ni PS/Insp. Roberto M. Garcia.
Sa ulat, ni Pasig City Chief of Police, PS/Supt. Rizalito Gapas, kay Eastern Police District Director, PS/Supt. Bernabe Balba, armado ng mandamiento de aresto ang tauhan ni Capt. Garcia na inilabas ni . Elma M. Rafallo-Lingan ng RTC Br. 159 na may petsang Hunyo 1, 2018 sa ilalim ng kasong kriminal na numero 157680 para sa Frustrated Homicide.
Wala nang magawa ang suspek nang dakmain ito ng mga elemento ng Warrant at Subpoena Section ng Pasig CPS dahilo sa kasong pananaksak sa biktimang si Ryan Florez sa hindi malamang dahilan sa tulong ng isang Jericho Presco na nangyari noong Nobyembre 21, 2014 bandang alas-10:00 ng gabi sa Barangay Kapasigan..
Ang akusado ay dinala sa Rizal Medical Center Pasig para sa medikal na pagsusuri at kalaunan ay dinala sa istasyon para sa wastong dokumentasyon. Si Reyes ay pansamantalang pinigil sa Pasilidad ng Pasig City Police Station habang naghihintay ng order mula sa korte.
Mas bibilis na ang biyahe mula Bicutan papuntang Taytay at vice versa, makaraang buksan ang dalawang karagdagang lane sa Napindan bridge II sa Taguig City, ngayong araw. (Toto Nabaja)