9 na party-list groups, tiyak na ang puwesto sa Kamara

9 na party-list groups, tiyak na ang puwesto sa Kamara

May 12, 2022 @ 8:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa siyam na party-list groups ang nakakuha ng pwesto sa House of Representatives base sa partial and official tally ng Commission on Elections (Comelec), na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC).

Kabilang sa mga party-list group na nakakuha ng hindi bababa sa 2% ng mga botong kailangan para sa proklamasyon ay ang mga sumusunod:

  1. ACT-CIS – 1,112,991 (6.0586%)

  2. Ako Bicol – 513,403 (2.7947%)

  3. 1-Rider party-list – 453,712 (2.4698%)

  4. 4PS – 427,779 (2.3286%)

  5. Ang Probinsyano – 421,253 (2.2931%)

  6. Sagip – 411,440 (2.2397%)

  7. Cibac – 394,750 (2.1488%)

  8. Ako Bisaya – 391,242 (2.1297%)

  9. Probinsyano Ako – 380,119 (2.0692%)

Sa ilalim ng batas, dapat na makakuha ng hindi bababa sa 2% ng kabuuang mga boto ang isang party-list group para maka-secure ito ng at least isang upuan sa Kamara.

Ang mga lalampas sa 2% threshold ay mabibigyan ng karagdagang puwesto na katumbas ng kabuuang boto, pero hindi maaaring lumampas sa tatlo kada mananalong party-list group.

Ang mga hindi aabot sa 2% requirement ay pwede pa ring makakuha ng pwesto sa Kamara dahil nire-require din sa party-list law na 20% ng miyembro ng Mababang Kapulungan ay manggagaling sa party-list ranks. RNT/ JCM