9 na tulak, adik kalaboso sa Cainta

9 na tulak, adik kalaboso sa Cainta

September 25, 2022 @ 3:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kalaboso ang siyam (9) na individual sa mga operatiba ng Cainta PNP makaraang makuhanan ang mga ito ng 150 gramo ng shabu sa anti-drug operation kamakalawa ng umaga sa Cainta Rizal.

Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay Rizal PNP Provincial Director kay PRO4A – Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mary Claire Gamoza Rivera, Leslie Atienza Noche, Anuel Tutal Hibay, Alexie Paolo Santos Nilo, Jean Michael de Jesus Ealdama, Erwin Tudla Naval, Erwin Mina Angeles, Joy Dait Bernabe at Levi Solano sa Barangay San Andres.

Dakong 9:00 ng umaga nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ni P/Lt. Col. Ruben Piquero hepe ng Cainta PNP na isang Mary Claire, ang nagtulak ng droga sa lugar at agad na isinagawa ang buybust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang 10 heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng 150 grams, na nagkakahalaga ng P 612,000, isang glass tube gamit bilang tooter, aluminum foil, disposable lighter, weighing scale, buybust money at mga shabu paraphernalia.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa illegal na droga ang mga suspek sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office.

Pinuri at pinasalamatan din ni Nartatez, ang mga tauhan ng Cainta Police at Provincial Intelligence Unit (PIU) sa sunod-sunod na pag-aresto sa mga tulak at adik na salot sa lipunan. Rene Tubongbanua