9 na volcanic earthquake naitala sa bulkang Kanlaon

9 na volcanic earthquake naitala sa bulkang Kanlaon

November 6, 2022 @ 4:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Aabot sa siyam (9) na pagyanig ang naramdaman sa paligid ng bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig nakataas sa paligid ng bulkan ang alert level 1.

Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Kaugnay nito nabatid pa sa Phivolcs na ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng ano mang uri ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Nabatid pa sa ahensya na ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito na matatagpuan sa Negros Occidental at Negros Oriental. Santi Celario