9 pamilyang Pinoy mula Turkey, pauwi na sa Pinas

9 pamilyang Pinoy mula Turkey, pauwi na sa Pinas

February 27, 2023 @ 12:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Siyam na pamilyang Pilipino galing Turkey ang pauuwiin sa Pilipinas kasunod ng malakas na lindol doon, ayon sa Philippine Embassy sa Ankara nitong Lunes.

Ang mga pamilya ang unang batch ng mga Pilipino na babalik sa Manila. Umalis sila sa kapital ng Turkey nitong Linggo, February 26 (Turkey time).

ā€œNine Filipino families are on their way back to the motherland to be greeted by the DFA (Department of Foreign Affairs)-Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, before traveling to their respective home provinces,ā€ pahayag ng Philippine embassy.

Inihahanda na ang iba pang repatriation efforts para sa mga susunod na araw, anito pa.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ng embahada ang 27 pang pamilyang apektado ng lindol.

ā€œThe Embassy continues to address the concerns of our shelterees, including extending their stay at the shelter as well as finding the appropriate housing and financial programs and other services offered by the Turkish government and non-government organizations,ā€ pahayag nito.

ā€œThe Filipino community is an ever-flowing well-spring of support, providing non-traditional assistance such as taking our youngest shelterees on a field trip to the Joyland amusement park,ā€ patuloy ng embahada.

Samantala, nagbigay ang DFA at ang Department of Migrant Workers ng tulong-pinansyal sa 77 overseas Filipinos na nasa Turkey din. Gayundin, namahagi ng relief goods sa mga Pilipinong apektado ng sakuna.

Iniulat pa ng embahada na natapos na ang ikalawang relief at evacuation mission sa Adana, Hatay, at Mersin.

Nitong buwan, tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa central Turkey at Syria kung saan umabot na sa mahigit 50,000 indibdiwal ang nasawi. RNT/SA