9 patay sa concert stampede sa Guatemela

9 patay sa concert stampede sa Guatemela

September 16, 2022 @ 10:31 AM 3 weeks ago


GUATEMALA CITY, Guatemala – Hindi bababa sa siyam na tao ang namatay, kabilang ang dalawang 12-anyos na bata, sa naganap na stampede sa isang malaking rock concert sa western Guatemalan city ng Quetzaltenango, sinabi ng mga awtoridad at emergency services noong Huwebes.

Umabot naman sa 20 ang sugatan sa outdoor festival base sa inisyal na datos.

Sinabi ng mga nakasaksi sa pinangyarihan na mayroon lamang dalawang labasan ang venue at naganap ang kaguluhan nang lahat ay nagmamadaling lumabas.

Inilarawan ng lokal na media ang pagdiriwang kung saan mahigit 10 banda ang tumugtog bilang taunang kaganapan na nagmamarka ng araw ng kalayaan sa bansang Central America.

Ang stampede ay isa lamang sa maraming nakamamatay na aksidente sa mga pampublikong kaganapan na nasaksihan ng Latin America nitong mga nakaraang taon.

Apat na tao noong Hunyo ang namatay at humigit-kumulang 70 ang nasugatan nang gumuho ang bahagi ng isang stand sa isang bullring sa bayan ng El Espinal, Colombia.  RNT