9 patay sa COVID sa Caloocan

9 patay sa COVID sa Caloocan

June 5, 2021 @ 4:00 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Siyam ang patay sa COVID-19 sa Caloocan City at isa naman ang natodas sa Navotas nitong Hunyo 4.

Sumampa na sa 33, 518 ang total confirmed cases sa Valenzuela at sa nasabing bilang ay 31, 569 na ang gumaling, 970 na ang namatay at 979 naman ang active cases.

Wala namang naiulat na namatay sa Malabon at nanatiling 441 ang COVID death toll sa lungsod, habang  17 ang nadagdag na confirmed. Sa kabuuan ay 13,172 ang positive cases sa lungsod, 162 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 16 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 12,569 ang recovered patients ng Malabon.

Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na COVID-19 case update ang Valenzuela City. Meryl Iral