9 patay sa COVID sa CAMANAVA; active cases 5,755

9 patay sa COVID sa CAMANAVA; active cases 5,755

January 11, 2022 @ 11:22 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Siyam ang patay sa COVID-19 sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area, habang sumirit sa 5,755 and active COVID cases sa nasabing bahagi ng Metro Manila, batay sa pinakahuling ulat ng mga health offices ng mga nasabing lungsod.

Apat ang natodas dahil sa pandemya sa lungsod ng Navotas hanggang 8 pm ng Enero 9 habang 998 ang active cases matapos na 149 ang mahawaan at 65 naman ang gumaling. Pumalo na sa 18,760 ang total COVID cases sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 17,192 na ang gumaling at 570 na ang namamatay.

Umakyat naman sa 1,646 ang total COVID deaths sa Caloocan City nitong Enero 10 mula sa 1,642 noong Enero 7, o karagdagang apat na casualties, habang sumipa sa 1,068 ang active cases mula sa dating 704. Sumampa na sa 63,906 ang confirmed cases sa lungsod, at dito ay 61,192 na ang gumaling.

Isa naman ang itinumba ng pandemya sa Valenzuela nito ring Enero 10, habang sumabog sa 2,549 ang active cases sa siyudad makaraang 255 ang magpositibo sa virus at 90 naman ang gumaling. Umabot na sa 38,732 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 35,331 na ang gumaling at 852 na ang namatay.

Ayon sa Malabon City Health Department, 217 ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod nitong Enero 10. Sa kabuuan ay 22,523 ang positive cases sa lungsod, 1,140 dito ang active cases. Sa kabilang banda, 61 ang gumaling, at sa kabuuan ay 20,719 ang recovered patients ng siyudad.

Labing-anim naman naman ang naitalang reinfection o muling nagpositibo sa COVID-19. Ang mga pasyente ay mula sa Barangay Dampalit (1), Hulong Duhat (1), Ibaba (1), Longos (1), Muzon (5), Niugan (1), San Agustin (4), at Tinajeros (2). Mapalad namang hindi nadagdagan ang 664 COVID death toll ng lungsod. Merly Iral