9 patay sa sagupaan ng CAFGU, rebelde

9 patay sa sagupaan ng CAFGU, rebelde

December 11, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Siyam ang patay habang apat iba pa ang sugatan sa bakbakan ng mga hinihinalang rebelde at tropa ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa Aleosan, Cotabato.

Sa ulat, tinambangan ng armadong kalalakihan ang CAFGU member na nakasakay sa motorsiklo at makalipas nito ay rumesponde ang mga kasamahan nito upang tugisin ang namaril.

Dito na nagsimula ang sagupaan na nangyari sa kampo mismo ng mga hinihinalang rebelde at humupa lamang ang bakbakan nang dumating ang mga awtoridad.

Kabilang sa mga nasawi ay ang limang CAFGU members, isang sibilyan at tatlo iba pa na mga hinihinalang rebelde.

Sa kabila nito, pinasinungalingan naman ng mga kamag-anak ng tatlong napatay na rebelde ang mga ito, at sinabi pa na hindi ito sangkot sa naturang pag-atake.

Nagpapatuloy na ang imbestigasyon sa nangyaring insidente. RNT/JGC