9% PH poverty rate sa 2028, target ng Marcos admin

9% PH poverty rate sa 2028, target ng Marcos admin

November 15, 2022 @ 4:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kumpiyansa ang administrasyong Marcos na maibababa nito ang poverty rate sa 9% sa taong 2028.

Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan  na ang  9% goal sa  taong 2028 ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapalago sa “higher level, “enhancing the quality of growth through the creation of quality jobs and improving the social protection system, among others.”

“But associated with that would be the generation of not just more jobs but higher quality jobs,” ayon kay Balisacan sa isang pulong sa Malakanyang kasama si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.

“And those two, growths and jobs and paying attention to social protection to address shocks like typhoons and crises… to enable us to achieve faster reduction of poverty from where it is today to single digit, at nine percent actually,” dagdag na wika nito.

Ang poverty incidence ng bansa ay pumalo sa  18.1% noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority. May katumbas ito na 19.99 milyong mahihirap na Pilipino.

Ang 9% targeted poverty rate ay bahagi ng Philippine Development Plan 2023-2028,  nagtakda sa eight-point program ng gobyerno at naglalaman ng target at  actionable plans na makatutulong sa bansa na isulong ang  “greener economy” at mas “sustainable, affordable and livable residential areas” sa susunod na anim na taon.

Ang iba pang target na itinakda sa ilalim ng 2022-2028 Medium-Term Fiscal Framework ay kinabibilangan ng “6.5-7.5 % real GDP growth in 2022; 6.5-8% real GDP growth annually between 2023 to 2028; 3% national government deficit to Gross Domestic Product ratio by 2028; less than 60% national government debt-to-GDP ratio by 2025; and at least $4,256 gross national income per capita to attain upper middle­ income status.” Kris Jose