9 Pinoy sa Shanghai naka-isolate sa COVID-19

9 Pinoy sa Shanghai naka-isolate sa COVID-19

April 30, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Siyam na Pilipino lamang ang naka-isolate sa kasalukuyan, matapos masapul ng COVID-19 sa Shanghai, China, ayon kay Philippine Consul Generali Josel Ignacio nitong Biyernes

“As of yesterday, ang cumulative ay 19. Subalit ang magandang balita ay na-discharge na ang 10. ibig sabihin 9 na lang ang active [cases],” pahayag ni Ignacio.

Ilang lungsod sa China ang kasalukuyang nasa ilalim ng partial o total lockdown kasunod ng pagpapatupad ng pamahalaan ng China ng zero-COVID strategy. Nilalayon nito na makontrol ang surge ng virus sa bansa, dulot ng Omicron variant at subvariant nito.

Isa sa mga pinakaapektadong siyudad ang Shanghai kung saan mayroong halos 4,000 Pilipino, ayon kay Ignacio.

“Ang lahat ng naka-quarantine ay di naman tinatanggalan ng telepono. Kami ay may kakayahang makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng tawag at sila rin po nakakapag-message kung may kailangan sila,” pagsisiguro naman ni Ignacio. RNT/SA