9 pulis patay sa suicide bomber sa Pakistan

9 pulis patay sa suicide bomber sa Pakistan

March 6, 2023 @ 6:12 PM 3 weeks ago


PAKISTAN – Patay ang siyam na pulis sa pag-atake ng suicide bomber sa sinasakyan na truck ng mga ito sa southwestern Pakistan.

Maliban dito, mayroon ding 16 na iba pa ang sugatan sa nangyaring pag-atake.

“The suicide bomber was riding a motorbike and hit the truck from behind,” sinabi ni senior police official Abdul Hai Aamir.

Nangyari ang pag-atake sa Dhadar, pangunahing bayan sa Kachhi district, o 120 kilometro timog-silangan ng Quetta.

Ayon kay Mehmood Notezai, police chief ng Kachhi district, pabalik na sana ang mga pulis mula sa isang linggong cattle show kung saan sila nagbigay ng seguridad.

Sa ngayon ay wala pang umaakong grupo na nasa likod ng pag-atake.

“Terrorism in Balochistan is part of a nefarious agenda to destabilize the country,” pahayag ni Prime Minister Shehbaz Sharif.

Noong nakaraang buwan, lima ang nasawi nang atakehin din ng TTP suicide squad ang isang police compound sa Karachi.

Kasalukuyan namang humaharap ang bansa sa samu’t saring politikal, economic at environmental crisis kasabay ng lumalalang problema sa seguridad kung saan target ng karahasan ang mga sundalo at pulis. RNT/JGC