9 sa 10 Pinoy oks sa COVID response ng Marcos admin-sarbey

9 sa 10 Pinoy oks sa COVID response ng Marcos admin-sarbey

December 19, 2022 @ 12:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Aprubado sa mayorya ng mga Pilipino ang pagtugon ng Marcos administration upang mapigilan ang pagkalat ang COVID-19 sa bansa, ayon sa pinakabagong survey ng OCTA research.

Base sa resulta ng Tugon ng Masa (TNM) fourth quarte  2022 survey, 92 percent ng mga Pinoy ang nagsabing aprub sa kanila ang pagtugon ng national government upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ang naturang approval rating ay mas mataas ng 10 percent kumpara sa huling TNM survey na isinagawa noong March 2022.

Isinagawa ang survey noong October 23 to 27, 2022, sa 1200 respondents sa National Capital Region, balance Luzon, Visayas at Mindanao. RNT