9 sa 23 na pugante, balik-rehas sa Bacoor City

9 sa 23 na pugante, balik-rehas sa Bacoor City

July 28, 2018 @ 4:52 PM 4 years ago


Cavite – Balik-kulungan na ang ika-9 na takas ng Bacoor City Custodial Center matapos matagpuan ng pulisya sa Las Piñas City.

Ayon kay Bacoor police chief Supt. Vicente Cabatingan, nasa siyam na mga pugante na ang kanilang naibabalik sa selda habang patuloy pa ang manhunt operations sa 14 iba pa.

READ: 3 sibak sa Bacoor City Jailbreak

Nauna rito, klinaro ni Senior Supt. William Segun, Provincial Director ng Cavite Police,  na 23 pala ang presong nakatakas nang mag-headcount muli sila, taliwas sa 22 na unang naianunsyo kahapon.

READ: Walong preso, naibalik na sa Bacoor City Custodial Center

Inilabas na rin ng Cavite police ang mugshots ng mga nakatakas na preso at inabisuhan ang publiko na ipagbigay-alam agad sa kanila kung mayroong impormasyon ukol sa mga pugante. (Remate News Team)