9 sasakyan sa QC inararo ng trailer truck

9 sasakyan sa QC inararo ng trailer truck

June 30, 2022 @ 6:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasira ang  siyam na sasakyan habang ilang motorista naman ang nasugatan nang mawalan ng preno ang  trailer truck  sanhi upang araruhin nito ang mga sinusundan kagabi sa lungsod ng Quezon.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Sheryl Mendoza, 38, nakatira sa No. 20 Washington St., Greenland Subd. Ph 1 Nangka Marikina City, driver ng Isuzu MU-X wagon (ACP 6215); Markus Christian Hernandez, 57, lawyer, naninirahan sa  B2 L1 Kingpin St., Vermont Royal Mayamot Antipolo City, driver ng Toyota Fortuner (ABE 1357) at Melani Atanis, 52,  residente ng No. 25 B Mejia St., Bonnie Serrano Road Libis Quezon City, driver ng Toyota Vios Sedan (TXZ 350).

Kabilang din sa aksidente sina Mark Anthony Fulgeras, 31, ng 52 B17 L9 Atlantic St., Exodus Santa Ana, Taytay Rizal, driver ng Toyota Corolla sedan (AAX 4728); Bonifacio Hular, 48, ng No. 59 Chico St., Luzon Ave., Purok 3, A Culiat, Quezon City, driver ng Mitsubishi L 300 (DAU 5037) at Darwin Pagaduan, 26, ng Bangag Cabanatuan City, Nueva Ecija, driver ng Isuzu Rebuilt Close Van (CBJ 6255),

Nasapol din ang minamanehong sasakyan nina Mario Francisco, 36, naninirahan sa 36 18th Ave., Murphy Cubao,QC. driver ng Toyota Avanza wagon (NAS 7080); Benie Sonbise, 38, gov’t employee, ng Area 1, Bukid Area St., Sta Ana Sun Valley Paranaque City, driver ng Toyota Vios sedan (XRD 115) at Alec Miguel Capco, 20, ng L1 B5 Dona Aurora, Executive Village, Santolan, Pasig City, driver ng Toyota Corolla sedan (NCL 1941).

Ayon kay Francisco, pauwi na raw sana sila  Montalban kasama niya buong pamilya pati ang anak na edad 3, 13 at 15 na nakaupo sa likuran ng sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang 10:45 ng gabi (June 29), nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng FVR Road sa harapan ng Andoks Lechon Manok sa Barangay Libis, sa lungsod.

Minamaneho ng hindi pa nakilalang driver ang trailer truck na may plakang 416 sa kahabaan ng FVR Road galing sa Col. Bonnie Serrano Ave.,  patungong Marikina.

Pagdating sa Barangay Libis nawalan ng preno ang   traT

at nasalpok ang sasakyan ni Pagaduan na naging domino effect nang magkakasunod na  magkabanggaan ang mga nabanggit na sasakyan ng mga biktima.

Nasapol naman sa nakakabit na CCTV sa lugar ang mabilis na pagbaba ng hindi pa nakikilalang driver ng  trailer truck na may plakang TEU 416 at tumakbo papatakas.

Dinala si Pagaduan at ang mga sakay niya sa sasakyan  sa Medical City Hospital sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang driver ng trailer truck habang inihahanda na ang reckless imprudence resulting in damage to properties with multiple physical injuries. Jan Sinocruz