9-year-old na Pinoy candidate maging chess master

9-year-old na Pinoy candidate maging chess master

November 18, 2022 @ 7:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghari ang Pilipinas sa 2022 Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Nobyembre 4-13.

Nagwagi ang Pilipinas sa torneo, para sa mga manlalaro ng chess na 18 taong gulang pababa, ng 22 gintong medalya sa blitz, rapid, at standard events.

Kabilang sa mga nakakuha ng gintong medalya ay ang siyam na taong gulang na si Bince Rafael Operiano, na naging candidate upang maging chess master matapos makamit ang tagumpay.

Nagsimulang maglaro ang tubong Oas, Albay, noong limang taong gulang pa lamang siya at idolo niya si Bobby Fischer.

Tinuruan  siya ng kanyang am na isang security guard kung paano maglaro ng chess.

“Pag-uwi niya ng 5 ng hapon  at hanggang 8 p.m. kami nagte-training,” sabi ng ama ni Bince na si Ben.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Bince na makausap si World Chess Hall of Famer Eugene Torre, na may tip para sa batang manlalaro.

“Bobby Fischer, ‘yan ang laruin mo. Tapos aral ka ng opening,” ani Torre kay Bince sa kanilang pagkikita sa torneo sa Bulacan.

Inilarawan din ng coach ni Bince na si Archie Haig ang kanyang estudyante bilang isang matiyaga at masipag na manlalaro.

Wish umano ni Bince na maging isang master level para makaragdag ng grandmaster sa Pilipinas.JC