90 anyos na Belgium national tinamaan ng 2 COVID variant

90 anyos na Belgium national tinamaan ng 2 COVID variant

July 11, 2021 @ 12:15 PM 1 year ago


PARIS – Sabay na tumama sa isang 90 taong gulang na babae ang dalawang variant ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa mga researcher sa Belgium.

Tinamaan ng Alpha at Beta variant ang babae na nasa namumuhay ng mag-isa na tumatanggap ng at-home nursing care.

Ayon sa otoridad, hindi pa bakunado ang babae na sinugod sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19 nitong Marso.

Bagamat maayos ang oxygen levels, kaagad lumala ang sakit nito at kalauna’y nasawi.

“Both these variants were circulating in Belgium at the time, so it is likely that the lady was co-infected with different viruses from two different people,” ayon kay molecular biologist Anne Vankeerberghen ng OLV Hospital at nanguna sa pag-aaral.

“Unfortunately, we don’t know how she became infected.”

Hindi tiyak ni Vankeerberghen kung ang dalawang variants ang dahilan ng mabilis na paglala ng sakit.

Kasalukuyang ipinipresenta ang pag-aaral sa European Congress of Clinical Microbiology & Infectious Diseases.

Dagdag ni Vankeerberghen, wala pang parehas na kaso na nailathala.

Umapela rin ito na paigtingin ang testing sa variants of concern.

Samantala, unang naiulat sa Brazil ang parehas na insidente ngunit hindi pa nailalathala ang pag-aaral ukol dito. Mula sa ulat ng Agence France-Presse