90 Davao Oro hospital patients, inilikas sa lindol

90 Davao Oro hospital patients, inilikas sa lindol

February 3, 2023 @ 9:28 AM 2 months ago


DAVAO CITY – Halos 90 pasyente na inilikas mula sa Davao de Oro Provincial Hospital (DDOPH) nitong Miyerkules ng gabi ang mananatili sa Montevista Sports Complex, sa pagsailalim ng ospital sa structural intensity assessment (SIA) matapos ang pinsalang natamo mula sa magnitude 6 lindol.

Inihayag ng Provincial Information Office nitong Huwebes na binisita ni Governor Dorothy Gonzaga ang evacuation area at tiniyak na naaalagaang mabuti ang mga pasyente.

“The patients will remain temporarily in the covered court while a part of the provincial hospital is being prepared to house them,” aniya.

Mayapos ang lindol na yumanig sa bayan ng New Bataan at mga karatig-lugar, inasistihan ng tropa ng Army’s 25th Infantry Battalion (25IB) ang paglipat ng 251 pasyente mula sa Davao de Oro Provincial Hospital sa designated evacuation center.

Inilipat naman ang critical patients sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, Davao del Norte, at ang iba pa sa DDOPH sa kalapit na bayan ng Pantukan.

Samantala, tiniyak ni Gonzaga na sapat ang mga doktor at nurse na nag-aalaga sa mga pasyente at naglagay na rin umano ang mini-pharmacy para sa libreng gamot.

“We will try to see what we can do to repair the (damages) in the hospital. Hopefully, we can find another location to find an area for a new hospital,” pahayag niya.

Kasalukuyang nagsasagawa si Gonzaga at ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng post-disaster assessment sa buong lalawigan. RNT/SA