90 kalahok sa PH ‘mix and match’ trial nabakunahan na ng 1st dose vs COVID

90 kalahok sa PH ‘mix and match’ trial nabakunahan na ng 1st dose vs COVID

December 10, 2021 @ 7:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nabakunahan na ang 90 kalahok sa “Mix and Match” (MnM) study ng bansa ng unang dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine, base sa Department of Science and Technology (DOST) nitong Biyernes.

Sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina L. Guevara na sa 103 enrolled participants, 90 ang nabakunahan ng first dose.

“The trial totals 90 participants already vaccinated with their first dose out of the study target of 3,000 participants,” aniya sa Manila Bulletin.

“The study plans to vaccinate some of the participants with their second doses next week,” dagdag pa ni Guevara.

Layunin ng 18 month-long study na suriin ang kaligtasan at immunogenicity ng paghahalo ng magkaibang COVID-19 vaccines at vaccine platforms sa mga Pilipinong nasa hustong gulang. Pinangungunahan ni Dr. Michelle De Vera ng Philippine Society for Allergy, Asthma, and Immunology (PISAAI) ang naturang proyekto.

Ayon kay Guevara, nitong Disyembre 9, tatlo sa limang study sites “have been activated and are recruiting.” Kasama dito ang Markina, Muntinlupa, at Manila.

Aniya, 51 indibidwal ang sumailalim sa screening sa Marikina City at sa bilang na ito, 42 ang nabakunahan.

“Muntinlupa City has screened 42 participants with 28 subjects successfully screened and vaccinated, while Manila has already screened 38 subjects with 20 of those vaccinated.”

Iniulat din ng opisyal ng DOST na nakapagtala ng anim na dropouts sa tatlong study sites.

“Dropouts were due to the following reasons: previously confirmed COVID-19 which excludes the participant/s from the trial, high blood pressure, unable to leave the house due to childcare, among others,” paliwanag ni Guevara.

Ang MnM study ay may budget na P204.19 milyon sa ilalim ng DOST-Grants-in-Aid (GIA) program. Inaprubahan ito ng FDA noong Nobyembre 16. RNT/SA