90 nakilahok sa Ph ‘mix and match’ trial naturukan na ng 1st dose ng COVID vax

90 nakilahok sa Ph ‘mix and match’ trial naturukan na ng 1st dose ng COVID vax

December 11, 2021 @ 10:43 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Naturukan na ng first dose ng COVID vax ang 90 kalahok ng “Mix and Match” (MnM) study ng bansa, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

“The trial totals 90 participants already vaccinated with their first dose out of the study target of 3,000 participants,” base sa ulat ng Manila Bulletin.

“The study plans to vaccinate some of the participants with their second doses next week.”

Layunin ng 18 buwang pag-aaral na ma-evaluate ang kaligtasan at immunogenicity ng paghahalo ng magkaibang coronavirus disease (COVID-19) vaccines at vaccine platforms sa Filipino adults sa pangunguna ni Dr. Michelle De Vera ng Philippine Society for Allergy, Asthma, and Immunology (PISAAI).

Sa datos, 42 ang na-screen sa Muntinlupa kung saan 28 ang nabakunahan at Maynila na nakapagbakuna ng 20 mula sa 38 indibidwal.

Ang MnM study ay may kabuuang badyet na P204.19 milyon sa ilalim ng DOST-Grants-in-Aid (GIA) program.  RNT/FGDC