90% ng residente sa Henan may COVID

90% ng residente sa Henan may COVID

January 10, 2023 @ 11:44 AM 1 month ago


CHINA – Sapul ng COVID-19 ang 90 porsiyento ng mga tao sa ikatlong pinakamataong lalawigan ng China, sinabi ng isang nangungunang opisyal ng bansa.

Sinabi ni Kan Quancheng, direktor ng komisyon sa kalusugan para sa gitnang lalawigan ng Henan na “mula noong Enero 6, 2023, ang rate ng impeksyon sa COVID-19 ng lalawigan ay 89.0 porsyento.”

Sa populasyon na 99.4 milyon, ang mga numero ay nagmumungkahi na humigit-kumulang 88.5 milyong katao sa Henan ang sapul ng COVID-19 sa ngayon.

Ang China ay nakikipaglaban sa isang pagtaas ng mga kaso kasunod ng desisyon nito noong nakaraang buwan na alisin ang mga lockdown, quarantine at mass testing na nagpabagsak sa ekonomiya nito at nagdulot ng mga kaliwa’t kanang protesta sa buong bansa.

Inaasahan pang tataas ang impeksyon sa bansa dahil sa papalapit na  Lunar New Year sa huling bahagi ng buwang ito, kung saan inaasahan na ang milyun-milyong maglakbay mula sa malalaking lungsod upang bisitahin ang mga mahihinang mas matandang kamag-anak sa kanayunan. RNT