900 lugar naka-granular lockdown – PNP

900 lugar naka-granular lockdown – PNP

January 24, 2022 @ 3:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na pumalo na sa 900 ang lugar na naka-granular lockdown sa bansa.

Pinakamarami rito ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 330; Ilocos Region na may 233; Cagayan Valley, 212; National Capital Region, 106; at Mimaropa, 19.

Maaalalang isinailalim sa Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao, at Mountain Province mula Enero 21 hanggang 31

Habang nakadeploy naman dito ang 211 PNP personnel at 443 force multiplier upang matiyak na nasusunod ang protocol. RNT/FGDC