901 pang kaso ng Omicron variant natuklasan sa Pinas

901 pang kaso ng Omicron variant natuklasan sa Pinas

September 13, 2022 @ 7:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas ng 901 pang karagdagang kaso ng omicron COVID-19 variant, ayon sa Department of Health nitong Martes.

Ayon sa DOH, 839 na bagong kaso ng omicron BA.5 at 11 pang kaso ng BA.4, tig-isang kaso ng BA.2.75 at BA.2.12.1, at 49 na na-tag bilang “other sublineages,” base sa pinakabagong mga numero na inilabas ng DOH.

Karamihan sa mga kaso ng BA.5 ay natuklasan sa Metro Manila na nasa (182) , Western Visayas (135), at Cordillera Administrative Region (116).

Habang ang mga kaso ng BA.4 ay karamihan namang natuklasan sa Soccsksargen na may pitong kaso.

Ang bagong kaso ng BA.2.75 ay naka-log sa Metro Manila, at ang kaso ng BA.2.12.1 ay nakita mula sa isang returning overseas Filipino.

Dalawang bagong kaso ng Delta ang natagpuan din sa Metro Manila at Calabarzon, sabi ng DOH.

Ang mga kaso ay resulta ng pinakahuling sequencing run na isinagawa ng Philippine Genome Sequencing mula Sept. 9 hanggang 12.

Ang BA.4 at BA.5 ay partikular na nagdala sa bugso ng mga bagong kaso ng naturang impeksyon sa Europe at Estados Unidos sa nakalipas na mga buwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden