90K studes nabigyan ng ayuda ng DSWD nitong Sep. 3

90K studes nabigyan ng ayuda ng DSWD nitong Sep. 3

September 4, 2022 @ 8:56 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Halos 90,000 ‘student in crisis situation’ ang nakatanggap ng one-time educational aid sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ikatlong araw ng Educational Assistance Payout ng ahensya noong Sabado, Setyembre 3.

Ang pinagsama-samang datos ng DSWD, nasa P225.37 milyon na tulong pang-edukasyon ang naipinamahagi sa 89,736 na estudyante-benepisyaryo noong Setyembre 3.

Sa nasabing bilang ng naayudahan, nasa 27,458 ang nasa elementarya (P27.44 milyon); 19,628 ang nasa junior high school (P39.08 milyon); 12,454 sa senior high school (P38.05 milyon); at 30,196 sa kolehiyo/bokasyonal na paaralan (P120.78 milyon).

Bawat benepisyaryo ay binibigyan ng cash assistance na nagkakahalaga ng P1,000 para sa elementarya, P2,000 sa junior high school, P3,000 sa senior high school, at P4,000 sa kolehiyo o vocational school.

Ang tulong pang-edukasyon sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng DSWD ay naglalayong tulungan ang mga estudyanteng nasa krisis o emergency na sitwasyon.

Ang mga nasabing estudyante na ito ay mga breadwinner, working student, ulila/inabandona at nakatira sa mga kamag-anak, mga anak ng single parent, mga anak na walang trabaho ang mga magulang, mga anak ng overseas Filipino worker, mga biktima ng child abuse, may magulang na may human immunodeficiency virus o HIV, at mga biktima ng kalamidad o kalamidad.

Nagsasagawa ang DSWD ng payouts tuwing Sabado hanggang Setyembre 24. RNT