90M bakunadong Pinoy malabong maabot sa termino ni Digong

90M bakunadong Pinoy malabong maabot sa termino ni Digong

April 21, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Malabong makamit ang target ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90 milyong katao sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 30. 

Nakikita kasi sa bansa ang ‘remarkable drop’ sa monthly COVID-19 vaccination output nito.

“From administering over 27 million COVID-19 vaccine doses for the month of November, the monthly output declined to 22 million last December,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Napaulat na nagkaroon ng pagbaba sa 18 milyong doses noong nakaraang Enero, 8.7 milyong jabs noong Pebrero at 6.7 milyong doses noong Marso.

Mahigit kalahati ng Abril, nakapagbakuna ang pamahalaan ng 2.5 milyong doses.

Sinabi ni Galvez, target nilang kompletuhin ang pagbibigay ng primary COVID vaccine series sa 77 milyong indibiduwal o hanggang 80 milyong Filipino sa pagtatapos ng Hunyo.

Katumbas aniya ito ng 70% ng estimated total population ng bansa.

Tinatayang 67.1 milyong katao pa lamang ang fully vaccinated.

“We cannot anymore accomplish, or very unlikely na makuha na natin ‘yung 90 million. Considering na remarkable ang drop ng ating uptake during the previous month… Basically, makuha lang natin ‘yung 70 million to 77 million, at least we can be happy. What we are really pushing is really we have to push our limits na at least makuha pa rin natin at least 77 million or 80 million by the end of the term of the President,” ang pahayag ni Galvez.

Tinukoy din nito ang malaking pagbaba sa monthly COVID vaccination output na nakikita matapos ang campaign period para sa May 2022 elections na nagsimulang sumipa noong Pebrero.

Idinagdag pa ni Galvez na kakaunti na lamang ang naitatalang nadadala sa ospital at namamatay dahil sa COVID , marami rin ang nagpapalagay na hindi na kailangan na magpabakuna laban sa coronavirus.

“Sa ngayon, nakikita natin na talagang bumagal. Initially kasi, when we set the target… umabot tayo ng more than 20 million a month during those times… At noong nagsimula na po ‘yung election period, nakita natin na bumaba na po tayo ng 8.7 (million). And then March… nagkaroon tayo ng religious gatherings and also nakita natin talaga nagsimula na ‘yung local rallies, bumaba pa tayo ng 6.7 (million)… More than halfway na tayo ng April, honestly, talagang nagkaroon tayo ng drawback, na 2.5 million pa lang po tayo,” ayon kay Galvez.

“Kahit tumataas po ‘yung kaso sa ibang bansa, nakikita natin ‘yung severity medyo bumababa na rin po… Ngayon, nagkakaroon tayo ng global problem on demand. Talagang globally bumaba ang demand sa vaccine… Ang challenge natin ngayon is to really change the mindset of the people. Andyan pa rin po ‘yung ating kalaban na si COVID. Ibig sabihin, hindi pa rin tayo pwedeng maging complacent. At sinasabi nga ng WHO, there is still a possibility na magkaroon tayo ng surge before the end of the election,” dagdag na pahayag nito. RNT