91 patay sa Magnitude 6.9 na lindol sa Indonesia

91 patay sa Magnitude 6.9 na lindol sa Indonesia

August 6, 2018 @ 7:50 PM 5 years ago


Indonesia – Pumalo sa 91 ang patay habang 209 ang sugatan matapos ang pagtama ng malakas na lindol sa mga isla ng Lombok at Bali sa Indonesia.

Napuntirya ang Hilagang bahagi ng Lombok na pinakamalapit sa episentro ng 6.9 magnitude na lindol.

Ayon kay Sutopo Purwo Nugroho, spokesman ng disaster agency, dalawa sa mga ito ay mula sa kalapit lang na isla ng Bali.

“Data collection continues and efforts are still ongoing,” aniya sa isang press conference.

Dagdag pa ng tagapagsalita, posible pang tumaas ang bilang ng mga nasawi habang patuloy pa ang pag-assess sa ibang mga lugar. (Remate News Team)