91 sa 201 barangay sa Pasay COVID-free na

91 sa 201 barangay sa Pasay COVID-free na

January 25, 2022 @ 10:35 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Bukod sa pagiging COVID-19 free ng 91 barangay ay nakapagtala din ang lungsod ng 27,230 recoveries kabilang ang 105 na bagong nakarecover sa virus o katumbas ng 96.61 porsiyento ng recovery rate, ayon sa ulat ng Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Sa isinumiteng report ng CESU kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay mayroong kabuuang 28,158 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kabilang na dito ang 81 bagong kaso at 357 aktibong kaso habang 571 naman ang mga namatay na sa virus na naitala nitong Enero 24 (Lunes).

Sinabi ni Calixto-Rubiano na sa kabuuang 201 barangay ay may natitira na lamang na 110 barangay ang may mga kaso ng COVID-19 at kinabibilangan ito ng apat na barangay na nakapagtala ng double-digit na bilang ng kaso na pinagnunahan ng Barangay 183 na may 60 kaso; Barangay 201, 20 kaso; Barangay 184, 15 kaso; at Barangay 76 na mayroong 10 aktibong kaso ng virus.

Muli naming pinaalalahanan ni Calixto-Rubiano ang kanyang panawagan sa mga residente ang patuloy na pagsunod sa kasaluluyang umiiral na health protocols na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang stratehiya ng lokal na pamahalaan na house-to-house symptoms check, agarang gamutan, at pinaigting na baksinasyon pati na rin ang kooperasyon ng mga residente ang nakapagpababa sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. James I. Catapusan