92.01% turnout naitala sa unang araw ng Bar Exams

92.01% turnout naitala sa unang araw ng Bar Exams

November 10, 2022 @ 7:14 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Umabot sa 9,207 na kandidato ang kumuha at nakatapos ng unang araw ng bar examinations nitong Miyerkules.

Sinabi ng Supreme Court na sa 10,006 na nagpalista sa 14 na local testing centers, nasa 9,207 ang natuloy na kumuha ng bar exams ng buong araw.

Ikinatuwa naman ni 2022 Bar chairperson Alfredo Caguioa ang 92.01% na turnout sa unang araw ng Bar Examinations.

Naging maayos aniya ang unang araw ng exam at umaasa na sa mga susunod na araw ng Bar Exam.

Ang pagsusulit kahalon ay patungkol sa Political Law, International Law (with related Tax Principles) at Labor Law.

Ngayong ikalawang araw ng Bar Examination (November 13) susubukan ang mga kandidato sa Criminal Law at Commercial Law.

Masusing minonitor ni Caguioa ang ikalawang digitalized at regionalized Bar Examinations mula sa Command Center sa National Capital Region (NCR).

Muling ipinaalala ni Justice Caguioa sa lahat ng staff at examinees na patuloy na sumunod sa health protocols. Teresa Tavares