92% ng Pinoy aprub sa COVID response ng Pinas

92% ng Pinoy aprub sa COVID response ng Pinas

December 18, 2022 @ 11:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines -Hindi bababa sa 92% ng Pilipino ang aprub sa paghawak ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, ayon sa resulta ng 2022 fourth quarter survey ng OCTA Research.

Base sa Tugon ng Masa survey, na may 1,200 Pinoy respondents, 18-anyos pataas, na kinapanayam mula Oktubre 23 hanggang 27 na tumaas ng 10% ang approval rating kumpara sa nakaraang ginawang sarbey noong Marso 2022.

Tumaas din ang pag-apruba sa lahat ng pangunahing lugar at sosyo-ekonomikong klase.

Samantala, sinabi ng OCTA na ang pagbaba ng approval rating ay naobserbahan noong Setyembre 2021 at Pebrero 2022 sa mga resulta ng survey ng Tugon ng Masa batay sa pagsusuri.

Idinagdag nito na ang mga ito ay mga panahon kung kailan naganap ang mga pagtaas ng COVID-19, lalo na noong Agosto 2021 at Enero 2022, ayon sa pagkakabanggit. RNT