92% voter turnout, inaasahan sa Marawi plebiscite – Comelec

92% voter turnout, inaasahan sa Marawi plebiscite – Comelec

March 18, 2023 @ 5:00 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Naniniwala si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na makakamit nila ang 92 percent voter turnout sa plebisito ng Marawi City sa Sabado, Marso 18, matapos makita ang maraming botante na dumagsa sa mga presinto.

Ang mga plebisito ang magiging unang eksklusibong local electoral exercise pagkatapos Marawi siege noong 2017, kasunod ng 2019 at 2022 National and Local Elections at 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang paglikha sa dalawang bagong Barangay na sasailalim sa mga plebisito ay ang direktang resultang epekto ng Marawi Siege dahil sa malaking pagtaas ng populasyon dahil sa internally displaced persons.

Sinabi ni Garcia na inaasahan na magkakaroon ng malaking epekto sa kinabukasan at kapakanan ng mga residente ang nasabing botohan.

Magbubukas ang botohan mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Wala namang nakikitang dahilan ang Comelec para palawigin ang oras ng pagboto.

Inaasahan din ni Garcia ang resulta nang hindi lalagpas ng alas-7 ng gabi ngayong Sabado. Jocelyn Tabangcura-Domenden