929 PNP generals, full colonels nagpasa na ng courtesy resignation – Azurin

929 PNP generals, full colonels nagpasa na ng courtesy resignation – Azurin

January 16, 2023 @ 1:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 929 na police full colonels at generals ang nagpasa na ng kanilang courtesy resignations bilang tugon sa panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos.

Ito ang iniulat ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. nitong Lunes, Enero 16.

“I am pleased to announce that the Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) has received the courtesy resignation letters of 929 Police Colonels and Star-rank PNP officers,” pahayag ni Azurin sa press briefing na isinagawa sa Camp Crame.

“This number represents 97.48% of all 953 3rd-level police officials expected to heed the call,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nanawagan si Abalos sa mga high-ranking PNP officials na maghain ng kani-kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng cleansing sa ahensya ng mga pulis na sangkot sa illegal na droga.

Ang mga ipinasang courtesy resignatios naman ay susuriin ng binuong five-man committee kabilang na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

“We are expecting that they will maintain their impeccable character and integrity so that the result of all their evaluation will be acceptable to everyone,” ani Azurin.

“Similarly, we appeal that the process will be devoid of personal and political biases,” dagdag pa niya.

Maliban dito, susuriin din ng National Police Commission ang mga police officers na natanggap na ang resignation. RNT/JGC