93 PGH health workers na nag-kwarantin, balik-trabaho na- NTF

93 PGH health workers na nag-kwarantin, balik-trabaho na- NTF

January 16, 2022 @ 4:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Halos isang daang fully vaccinated healthcare workers ng Philippine General Hospital (PGH) ang nagbabalik-trabaho limang araw matapos matamaan ng o ma-expose sa coronavirus disease (COVID-19), base sa isang government adviser nitong Linggo.

Inilahad ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na tumaas na ang bilang ng medical frontliners sa PGH matapos mahawa sa virus ang halos 100 sa kanila.

“Luckily, noong ginawa itong shorter quarantine period ay parang nakabalik ang about 90, 93 personnel agad,” ani Herbosa.

“‘Yung dating protocol natin nakapaka-strict, ma-expose ka lang, 10 days ka nang ‘di pupunta sa ospital, ngayon ‘pag wala kang sintomas, pwedeng magtrabaho,” dagdag pa niya.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Enero 7 ang pinaikling isolation at quarantine periods ng fully vaccinated health workers na nahawa sa COVID-19.

Inanunsyo ito ng IATF kasunod ng kakulangan sa mga frontliners sa mga ospital sa gitna ng pagkakahawa nila sa COVID-19. RNT/SA