936K dose ng ‘reformulated’ Pfizer COVID-19 vax dumating na sa Pinas

936K dose ng ‘reformulated’ Pfizer COVID-19 vax dumating na sa Pinas

March 31, 2022 @ 9:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Natanggap ang Pilipinas ang karagdagang 936,000 doses ng reformulated na Pfizer COVID-19 vaccine.

Binili ng pamahalaan ang mga bakuna sa pamamagitan ng World Bank na dumating sa bansa lampas alas-8 na ng gabi. Nakalaan ang mga ito pata sa lima hanggang 11-anyos na mga pasyente.

Bago ito, natanggap ng bansa nitong Sabado ang 1.2 milyong dose ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine para rin sa parehong age group. RNT/SA