938 pasyente nagamot ng PH medical team sa Turkey quake

938 pasyente nagamot ng PH medical team sa Turkey quake

February 24, 2023 @ 4:28 PM 1 month ago


TURKEY – Umabot na sa 938 pasyenteng Turkish ang nagamot ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT), bahagi ng 82-man Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC), ayon sa ulat ng Office of Civil Defense.

“The PEMAT started its operations at 0900H 23 February 2023. The PEMAT catered to ambulatory cases and referral of cases requiring hospitalization,” pahayag ng OCD nitong Biyernes, Pebrero 24.

Ang sumusunod na bilang ng pasyente ay natulungan ng PEMAT:

–Peb. 11 – 14 patients

–Peb. 12 – 41 patients

–Peb. 13 – 60 patients

–Peb. 14 – 53 patients

–Peb. 15 – 88 patients

–Peb. 16 – 97 patients

–Peb. 17 – 105 patients

–Peb. 18 – 81 patients

–Peb. 19 – 64 patients

–Peb. 20 – 65 patients

–Peb. 21 – 82 patients

–Peb. 22 – 103 patients

–Peb. 23 – 85 patients

Sinabi rin ng OCD na huling araw na ng operasyon ng PEMAT.

“DOH (Department of Health) continues to provide medical assistance to the Philippine contingent, ensuring the welfare of the team with standby doctors and nurses. The base of operations/base camp is also managed with the leadership of the DOH, with the assistance of AFP (Armed Forces of the Philippines) and the Turkish military,” ayon sa OCD.

Samantala, naka-standby naman ang urban search and rescue (USAR) team kung kakailanganin ng tulong ng Turkish Local Emergency Management Authorities.

“The USAR team conducted a lecture regarding hypothermia, cold injury, and crush syndrome management at around 1400H (2 p.m. Turkish time February 23),” anang OCD.

Sa kasalukuyan, nakakuha naman ng anim na bangkay sa guho ang USAR team ng PIAHC.

“ERRATUM: The USAR team was able to retrieve six dead victims buried in the rubble for the whole duration of their search and retrieval operations. Details of which are as follows: 13 February 2023: Two dead victims 14 February 2023: Four dead victims Total: Six dead victims,” dagdag pa.

Nakapagsagawa rin ng assessment sa 36 na gusali sa Adiyaman ang Philippine USAR team na bahagi ng kanilang area of operations.

Inaasahang uuwi na sa bansa ang mga delegado ng Pilipinas mula Turkey sa Marso 1.

“The team will (be) back in the Philippines not later than March 1, 2023,” ani Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, OCD spokesperson.

Nauna nang sinabi ni Alejandro na hindi na tatanggap ng ikalawang contingent mula sa Pilipinas ang Ankara.

Sa kabila nito, sinabi ng Turkish government na maaaring magpadala ng non-food items ang bansa para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Turkey at Syria noong Pebrero 6. RNT/JGC