94.24% establisimyento sa NCR tumugon sa health protocols noong 2021 — DTI

94.24% establisimyento sa NCR tumugon sa health protocols noong 2021 — DTI

January 14, 2022 @ 1:43 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na 94.24% ng business establishments sa National Capital Region (NCR) ay nakitang sumunod sa minimum public health standards (MPHS) na itinakda ng gobyerno.

Sa datos galing Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB), sinabi ng DTI na mula sa ininspeksyong 5,267 inspected firm sa 2021, nasa 4,121ang sumunod at tumugon dito.

Base pa sa  DTI-FTEB, karamihan sa non-compliance ng firms ay may kakulangan sa mandatory contact tracing and/or health declaration forms, thermal scanners, floor markings para sa physical distancing, at regular service maintenance schedule,

Ipinaalala naman ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo na dapat mahigpit na sundin ang health protocols upang maging maayos ang takbo ng lahat.

“This 2022, let us continue to be proactive and adhere to our health protocols to ensure the utmost protection of the health of the Filipino consumers, traders, and workers,” lahad ni Castelo. RNT/FGDC