94.5% ng target population, fully vaxxed na – DOH

94.5% ng target population, fully vaxxed na – DOH

December 29, 2022 @ 6:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 73.7 milyon ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa ating bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Katumbas ito ng 94.45 percent ng target o eligible population na nakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccines.

Sa bilang na ito, 21.1 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang booster shot.

Dagdag pa ni Vergeire, ang nakatanggap naman ng kanilang second booster shot ay nasa 3.7 milyon.

Patuloy naman ang paghikayat ng DOH sa mga karapat-dapat na indibidwal na magpabakuna na at tanggapin ang kanilang booster shots upang higit na protektado laban sa virus.

Nanawagan din ang DOH na patuloy na sumunod sa mga health protocol lalo na’t may mga nagsusulputang bagong subvariants upang may panlaban sa sakit at maiwasan ang pagkakaospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden