94% ng BJMP inmates, bakunado na vs COVID

94% ng BJMP inmates, bakunado na vs COVID

December 15, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nabakunahan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang 94% ng general population nito laban sa COVID-19 virus, ayon sa tagapagsalita nito na si Jail Supt. Xavier Solda ngayong Huwebes.

Sa panayam, tinanong si Solda ukol sa health conditions ng persons deprived of liberty (PDL), partikular na ang vaccination rate nila.

“Actually as of this day, nasa around 94% yung total general population na fully vaccinated na, nasa kalahati na rin kami sa pamimigay ng booster, at mayroon na rin nabibigyan ng second booster. So hindi po nasasayang yung bakuna para sa mga PDL natin,” ani Solda.

“Hindi pa napatunayan na may sala, anytime, kapag nag-issue na ang korte ng order na ma-acquit halimbawa sila, babalik po ito sa kanilang respective communities. Ayaw po natin na maging cause of concern sila kaya sa jail palang, pinababakunahan na sila ng BJMP,” dagdag ni Solda.

Tumaas sa 94% ang vaccination rate mula sa 91% noong nakaraang buwan. RNT/SA