94% ng COVID vax adverse reactions sa edad 12-17, mild lang

94% ng COVID vax adverse reactions sa edad 12-17, mild lang

January 27, 2022 @ 8:23 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 94 porsyento ng naranasang adverse reactions mula sa COVID-19 vaccine na itinurok sa edad 12 hanggang 17 ay mild lang, ayon sa isang health expert.

Matatandaan na noong Nobyembre 3, 2021 nang simulant sa Pilipinas ang pagbabakuna sa nasabing age group laban sa COVID-19.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang tatlong pangunahing nararamdaman matapos na mabakunahan ay ang pananakin ng parteng naturukan, sakit ng ulo, at pagkahilo.

“Ito pong COVID-19 vaccine na ipamamahagi ng ating pamahalaan ay isang oportunidad para sa inyong pamilya na maprotektahan laban sa COVID-19,” ani Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines Chief Mary Ann Bunyi na miyembro rin ng national immunization technical advisory group.

Dagdag pa niya na ang mga kabataang mayroong preexisting health conditions ay high risk para makakuha ng severe type ng COVID-19.

Sa datos ng DOH umabot sa 396,730 cases ang naitala sa mga 19-anyos pababa.

“Most cases have been mild, but some patients have turned into severe with critical manifestations. Some have developed complications like multi-system inflammatory syndrome in children,” dagdag pa niya. RNT