94% ng mga paaralan sa NCR balik full F2F classes na – DepEd

94% ng mga paaralan sa NCR balik full F2F classes na – DepEd

November 2, 2022 @ 3:01 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Matagumpay ang pagbabalik ng full implementation ng face-to-face classes sa National Capital Region (NCR).

Ito ang iniulat ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules, Nobyembre 2 kung saan 94% ang nakapagsimula na full in-person classes.

“Sa NCR po, 94 percent of our schools are implementing 5-day in person classes. Full capacity according to the Regional Director – 5 days, 100 percent of enrollees,” pagbabahagi ni DepEd Spokesperson Atty Michael Poa.

Sa ngayon ay mayroong 827 na mga pampublikong paaralan sa rehiyon, patuloy din ang pagbabantay ng DepEd sa mga paaralan sa ibang rehiyon.

“Sa ngayon po, maayos naman po ang resumption ng ating classes so far. Naghihintay rin po kami ng feedback from our regional directors, para po kung may challenges encountered man ay matugunan agad,” ani Poa.

Kamakailan ay sinabi rin ni Poa na may ilang paaralan ang humiling sa kanila ng exemptions na magsagawa ng full in-person classes policy partikular na ang mga naapektuhan ng bagyo at lindol. RNT/JGC