95% ng mga nasawi sa COVID-19 sa Pinas, ‘di bakunado – DOH

95% ng mga nasawi sa COVID-19 sa Pinas, ‘di bakunado – DOH

April 25, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa pagpapaigting ng gobyerno sa pagbabakuna nito laban sa coronavirus disease (COVID-19), sinabi ni Health Secretary Francisco T. Duque III nitong Lunes na 95 porsyento ng COVID-19 deaths sa bansa ang hindi bakunado.

“We have had reports, the DOH (Department of Health), in terms of admissions sa hospitals, so initially ‘yung mga admissions nakita na 85 percent of those who had severe and critical Covid-19 infection were the unvaccinated so malaki ‘yun and 95 percent of deaths were the unvaccinated,” pahayag niya.

“I understand this is representative of the national count. I cannot recall ano ba ang coverage nito, hindi naman lahat kundi representative sample ang ginawa,” patuloy ng health secretary.

Binanggit din ni Duque na mga senior citizen ang karamihan sa mga namamatay sa COVID-19 sa bansa.

Kaya naman nanawagan si Duque called sa mga hindi pa nababakunahan laban sa sakit na magpabakuna na at sinabing ligtas ito at epektibo.

“So iyang vaccination huwag nating sayangin ang pagkakataon na ito ay talgang game-changer. Malaki ang tulong nito lalo na sa pag-iwas ng severe and critical cases lalo na sa mga matatanda,” apela ng health secretary.

“The vaccine is our best long term solution to this pandemic,” giit pa niya. RNT/SA