95% personnel, 56% college studes, bakunado na – CHED

95% personnel, 56% college studes, bakunado na – CHED

December 14, 2021 @ 7:54 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED), Lunes, na umabot na sa 95% ng kanilang mga tauhan, at 56% ng mga college students ang bakunado na laban sa COVID-19.

Sa nangyaring ceremonial signing ng joint memorandum circular sa pagbabalik ng collegiate athletic training, inanunsyo ito ni CHED Chairman Popoy De Vera.

Sa datos hanggang nitong Disyembre 9, sinabi ni De Vera na 247, 604 sa 292,969 teaching at non-teaching personnel sa higher education institutions (HEIs) sa buong bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa nasabing bilang “85.81 percent received at least one jab.”

Sa kabilang banda, iniualt din ni De Vear na sa 4,099,519 naiulat na bilang ng tertiary students, “56. 41 percent received at least one jab” o katumbas ng 2,310,37 bakunado na.

“I’d like to thank our universities for helping us rapidly increase our vaccination rate,” mensahe naman ni De Vera said.

“We have universities helping the actual crafting of the guidelines because they know best what is needed at the ground level,” dagdag pa ni De Vera.

“I hope that we will continue to work together in any activity inside and outside the universities,” giit pa niya. RNT