953 senior police officers kumasa sa courtesy resignations – PNP

953 senior police officers kumasa sa courtesy resignations – PNP

January 14, 2023 @ 11:20 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado na 953 senior officers na ang nagsumite ng kanilang courtesy resignations.

“As of yesterday, nasa 953 na po from the original 956 na senior officers [ang nagbigay na po ng courtesy resignation],” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

Sinabi ni Fajardo na inaasahan pa ang ilang courtesy resignations, karamihan ay mula sa Visayas at Mindanao, at hinihintay na lamang na ma-transmit sa PNP national headquarters.

Idinagdag niya na kailangang maghintay ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. hanggang katapusan ng buwan para sa lahat ng inaasahang kakasa sa courtesy resignation.

Nanawagan si Interior Secretary Benhur Abalos kamakailan sa sa mga heneral at koronel sa PNP na magsumite ng courtesy resignation bilang bahagi ng pagsisikap ng pmahalaan na linisin ang organisasyon mula sa mga pulis na sangkot sa illegal drug trade.

Inihayag naman ni Abalos ang pagkabahala hinggil sa pagkakasangkot ng ilang opisyal ng kapulisan sa iligal na aktibidad.

Sinabi ni Azurin na sasailalim ang mga kumasa sa courtesy resignation sa lifestyle check. 

Bahgai ito ng pagsisikap ng five-man committee na susuri sa courtesy resignations at gagawa ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. RNT/SA